MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang mga sumusunod na kalsada simula 9:00PM ng Huwebes, February 8, 2024 hanggang 12:00NN ng Linggo, February 11, 2024 para sa isasagawang pagdiriwang ng Chinese New Year 2024:
• Banawe corner Sta. Rosa Street
• Makaturing Street corner Biak na Bato
• Sta. Rosa Street corner Biak na Bato
• G. Roxas Street corner Biak na Bato
• Del Monte Avenue corner Biak na Bato
• Linaw Street corner Biak na Bato
• Banawe corner Sta. Catalina Street
• Linaw Street corner Matutum Street
• G. Roxas Street corner Matutum Street
Isasara naman ang Del Monte Avenue corner Biak na Bato hanggang Del Monte Avenue corner Cordillera Street sa daloy ng trapiko mula Huwebes, February 8, 2024 hanggang Sabado, February 10, 2024 para sa selebrasyon.
Ipapatupad din ang traffic re-routing para sa mga motoristang maapektuhan ng pagsasara ng naturang mga kalsada at may inilaan na parking areas para sa mga lalahok sa pagdiriwang.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.