MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA 🚦

Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada sa Linggo, February 9, 2025 mula 2:00AM hanggang 10:00AM dahil sa isasagawang SOLEMATE: The Philippine Heart Center (PHC) Charity Fun Run 2025.

Matalino Street

• Portion of East Avenue

• Portion of Kalayaan Avenue

• Mayaman Street

• Maginhawa Street

• V. Luna Road

• Portion of Malakas Lane

Isasara naman ang ilang bahagi ng Matalino Street, Malakas Lane, at Mayaman Street. May inilaan din na parking areas para sa mga kalahok sa fun run activity ng PHC.

Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.