MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Amoranto Sports Complex sa January 21, 2025 (Tuesday), 8:00 AM. Ito ay dahil sa isasagawang groundbreaking ceremony para sa Football Field Project ng Quezon City Government at tanggapan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS), para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.