MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Simula sa July 10, 2025, magpapatupad ng bagong traffic scheme ang Barangay Commonwealth sa Litex Payatas Road bilang tugon sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Para sa mga sasakyang manggagaling sa Montalban, Rizal, bawal nang pumasok o kumaliwa sa Soliven/Lunas Street. Diretso na ang mga sasakyan sa Litex Payatas Road hanggang IBP Road.
Para sa mga sasakyang manggagaling sa Commonwealth Avenue patungong Montalban, Rizal, bawal nang pumasok o kumanan sa IBP Road. Diretso na ang mga sasakyan sa Commonwealth Avenue at pumasok o kumanan sa Soliven/Lunas Street hanggang sa kanto ng Litex Payatas Road patungong Montalban, Rizal.
Para sa mga sasakyang galing sa IBP Road na patungong Montalban, Rizal, bawal nang pumasok o kumanan sa kanto ng Litex Payatas Road. Diretso na ang mga sasakyan sa Commonwealth Avenue at pumasok o kumanan sa Soliven/Lunas Street hanggang sa kanto ng Litex Payatas Road patungo sa kanilang destinasyon.
Ipatutupad ang bagong traffic scheme sa bisa ng Resolution No. 332, S-2025 na inilabas ng Barangay Commonwealth.

