MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Magpapatupad ang QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng Traffic Re-routing Plan para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Lunes, July 27, 2026.
Ipapatupad rin ang zipper lane mula Elliptical Road/Philcoa hanggang Sandiganbayan at isa pang zipper lane sa Doña Carmen hanggang IBP Litex para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Magtutulungan at nakaantabay naman ang mga tauhan ng TTMD, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police, Quezon City Police District, Presidential Security Group, QC Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, at Bureau of Fire Protection para matiyak ang seguridad at kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.
Dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.










