Magpapatupad ng Traffic Re-routing Plan para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 28, 2025, na pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Task Force SONA 2025, Philippine National Police, Quezon City Police District, Presidential Security Group, at QC Traffic and Transport Management.
Ipapatupad din ang zipper lane o counterflow sa Commonwealth Avenue (southbound portion) para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.




