MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Magsasagawa ang United Against Torture Coalition Philippines (UATC) at Commission on Human Rights Philippines (CHR) ng Basta Run Against Torture (BRAT) national campaign sa June 26, 2024 (Wednesday).
Magsisimula ang programa sa Risen Garden, Quezon City Hall ng 6:00 AM at magtatapos naman sa CHR Liwasang Diokno ng 8:00 AM. Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada at lugar sa lungsod na bahagi ng kanilang daraanan:
• Quezon City Hall
• Elliptical Road
• Commonwealth Avenue
• Commission on Human Rights
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.