MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng University of the Philippines-Diliman sa June 27, 2026 mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi bunsod ng isasagawang LOVELAB4N PRIDE FESTIVAL, PRIDE MARCH, at MAGINHAWA PRIDE VILLAGE ng Quezon City Government, Pride PH, at Maginhawa Food Community bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.
Kabilang ang mga sumusunod na kalsada sa ruta ng Pride March 2026:
University Ave.
Emilio Jacinto St.
Commonwealth Ave.
Ylanan St.
Osmeña Ave.
Roxas Ave.
Lakandula St.
Pansamantalang isasara ang 3-4 lanes ng Commonwealth Ave. depende sa dami ng dadalo sa Pride March. Maglalagay naman ng traffic cones sa kalsada bilang gabay sa mga lalahok sa parada. Pansamantala ring isasara ang University Ave. corner CP Garcia at isang lang ng CP Garcia.
Isasara naman ang Maginhawa Street sa pagitan ng Mapagkawanggawa at Magiting Street para sa mga aktibidad ng Maginhawa Pride Village.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.










