MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Tomas Morato sa June 28, 2025 (Sabado) dahil sa isasagawang Pride March bilang bahagi ng 2025 Pride PH Festival.
Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme para sa mga motoristang maaapektuhan ng pagsasara ng mga naturang kalsada.
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng TTMD, Task Force Disiplina, at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.




