MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Bunsod ng isasagawang White Ribbon Movement Prayer and Indignation Rally sa pangunguna ng White Ribbon Movement (WRM), asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument sa Linggo, June 28, 2026, mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
• Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
• Katipunan Avenue
• Ortigas Avenue
• White Plains Avenue
• Temple Drive
Bilang paghahanda sa nasabing aktibidad, magpapatupad din ng zipper lane sa White Plains Avenue, sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue, simula 6 AM hanggang 12 PM ng June 28, 2026.
Pansamantala namang isasara ang White Plains Avenue mula Katipunan Ave. hanggang EDSA (Camp Aguinaldo side) sa mismong araw ng rally, June 28, 2026.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.









