MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod sa June 3, 2025 mula 4:00 ng umaga bunsod ng isasagawang bike ride event ng Department of Public Order and Safety (DPOS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Bicycle Day 2025.
Narito ang mga kalsada na dadaanan ng ruta ng bike ride activity na magsisimula sa Risen Garden sa City Hall compound:
Team A (from Gate 3):
Kalayaan Ave.
Mayaman St.
Maharlika St.
Masaya St.
Commonwealth Ave.
Regalado Ave
Team B (from Gate 2):
Elliptical Road
North Ave.
Mindanao Ave.
QCity Bus Stop (Route 5)
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), at DPOS para maisaayos ang inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

