MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Magpapatupad ng stop-and-go scheme ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Elliptical Road sa Commonwealth Avenue at sa harap ng Quezon City Hall para sa gaganaping Love Laban 2 Everyone! Happy Equality: Araw ng Pasasalamat sa darating na June 30, 2024 (Linggo) mula 2:00PM hanggang 9:00PM.
Isasarado rin ang inner most lane ng Elliptical Road at ilalaan ito bilang designated parking areas ng mga dadalo.
Maaari ring mag-park sa loob ng Quezon City Hall compound.
Para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar, magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.