MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa tapat ng EDSA White Plains ngayong araw June 30, 2026. Ito ay dahil sa isinasagawang mass assembly ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa paligid ng People Power Monument, Brgy. White Plains.
Sa kasalukuyan, isang lane lamang ang bukas sa north at southbound ng EDSA at White Plains habang isinasagawa ang nasabing aktibidad.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.






