MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue sa June 6, 2026 mula 5:00 PM hanggang 8:00 PM bunsod ng isasagawang PRIDE RUN sa QC 2026 ng Quezon City Government at RunRio, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.
Kabilang ang mga sumusunod na kalsada sa ruta ng Pride Run:
Tomas Morato Ave.
Timog Ave.
Sgt. Esguerra Ave.
Eugenio Lopez Drive
Mother Ignacia Ave.
Sct. Albano St.
Panay Ave.
Sct. Tobias St.
Don Alejandro Roces Ave.
Pansamantala ring isasara ang mga sumusunod na kalsada:
Timog Ave. corner Tomas Morato Ave.
Tomas Morato Ave. corner Sct. Madriñan
Tomas Morato corner Sct. Borromeo
D. Tuazon corner Madriñan
Sct. Torillo corner Madriñan
Magpapatupad naman ng stop-and-go scheme at traffic rerouting scheme ang Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng TTMD, Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.









