ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Maaantala ang nakatakdang muling pagbubukas sa publiko ng Katipunan Kaliwa St. / Lokaria St. (mula Mindanao Avenue hanggang King Alexander St.) sa May 4, 2026 bunsod ng pagpapatuloy ng construction works sa NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Sec. 1A sa nasabing lugar.
Alinsunod sa desisyon ng NLEX Corporation, magpapatupad ng Stop-and-Go Scheme para sa mga CLASS 1 VEHICLES sa Katipunan Kaliwa St. / Lokaria St. (mula Mindanao Avenue hanggang King Alexander St.) simula ngayong araw April 30 hanggang May 7, 2026 (9:59PM).
Pansamantala namang ipatutupad ang FULL CLOSURE ng Katipunan Kaliwa St. / Lokaria St. mula 10:00 PM ng May 7 hanggang 5:00 AM ng May 11, 2026. Ito’y bunsod ng patuloy na curing process upang matiyak ang integridad ng isinagawang proyekto.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta at planuhin ang biyahe nang mas maaga.
Magtatalaga rin ng traffic enforcers upang tumulong sa pamamahala ng daloy ng trapiko, at maglalagay ng directional signs para gabayan ang mga motorista.
Tingnan ang post na ito: https://www.facebook.com/NLEXexpressways/posts/pfbid02rHnbhs19y6MyPsy3km3obqrDBb6yeFvPy6mH1m3xE41DBD3eRLGhUyy4SjnBCkQal
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





