ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Maaaring dumaan ang mga CLASS 1 VEHICLES sa Katipunan Kaliwa St. / Lokaria St. (mula Mindanao Avenue hanggang King Alexander St.) simula bukas, April 6 hanggang 27, 2026 sa pagitan ng 5:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 4:00 PM hanggang 9:00 PM. Magpapatupad ng stop-and-go traffic scheme para sa mga sasakyang dadaan sa nasabing kalsada.
Mananatili naman itong sarado mula 9:01 AM hanggang 3:59 PM, at 9:01 PM hanggang 4:59 AM habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng underpass kaugnay ng NLEX–C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A project.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta at planuhin ang biyahe nang mas maaga.
Magtatalaga rin ng traffic enforcers upang tumulong sa pamamahala ng daloy ng trapiko, at maglalagay ng directional signs para gabayan ang mga motorista.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





