MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA 🚦

Kasalukuyang isang lane lang ang madadaanan sa north bound lane ng C5 Katipunan mula Ayala Heights sa Barangay Matandang Balara sa Quezon City.

Ito ay dahil sa isa umanong shooting incident na kinasasangkutan ng mga sakay ng elf truck at van.

Idi-divert muna ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang northbound vehicles sa C.P. Garcia Avenue.

Nasa lugar na ang mga tauhan ng MMDA, PNP at Traffic and Transport Management Department (TTMD) para maisaayos ang daloy ng trapiko, maging sa buong kahabaan ng C.P. Garcia Avenue.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.