MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Visayas Avenue patungong Tandang Sora Avenue bukas, March 6, 2024, Wednesday mula 4:00 AM – 11:00 AM, dahil sa isasagawang “Kick-off Celebration of Women’s Month: SUMAYAW AT UMINDAK 2.0 ng tanggapan ni District 6 Rep. Marivic Co-Pilar.
Isasara sa trapiko ang kahabaan ng Visayas Ave. corner Tandang Sora Ave. hanggang Visayas Ave. corner Congressional Ave. tapat ng Landbank. Habang gagawing zipper lane naman ang kabilang lane ng Visayas Ave. papuntang Congressional Ave.
Tatlong lugar ang magsisilbing assembly place ng tinatayang nasa 6,000 makikiisa sa selebrasyon. Ito ang Santuario de San Vicente de Paul Parish, KFC Philand Congressional at Dunkin Donuts Visayas Ave.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


