MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga manonood sa Minsan Fest, na gaganapin sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle sa Sabado, May 17, 2025 mula 2:00 PM.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
