MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA 🚦
Nagsimula na kahapon (May 1) ang pansamantalang pagsasara ng ilang bahagi ng Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover at tatagal ito ng anim (6) na buwan para sa gagawing repair o retrofitting.
Pinangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang retrofitting na nagsimula noong April 25, 2024 (Huwebes), upang mas patatagin ang flyover lalo na sa mga kalamidad gaya ng lindol.
Ngayong umaga (May 2), nakita natin ang epekto ng pagsasara sa morning rush hour traffic.
Pinapaalalahanan ang lahat na gumamit ng alternative routes at kumanan sa West Avenue, Quezon Avenue, Panay Avenue, Mother Ignacia, Eugenio Lopez Drive, o Scout Borromeo upang maiwasan ang masikip na daloy ng trapiko sa service road ng Kamuning Flyover.
Kung galing naman sa Elliptical Road, gamitin ang alternate routes sa East Avenue at Kalayaan Avenue papuntang Cubao hanggang Col. Bonny Serrano Avenue.
Pansamantala ring ipagbabawal ang mga motorsiklo sa pagdaan sa service road ng Kamuning Flyover, at pinapayuhan na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Tingnan ang detalyadong mapa bilang gabay, at hinihiling namin ang inyong pang-unawa.