MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Pansamantalang isasara ang isang (1) southbound inner lane sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension, tapat ng Metro Manila Subway Project CP101 Tandang Sora Station (TSS), Barangay Tandang Sora, Quezon City, kaugnay ng installation works ng Maynilad para sa temporary water service connection.
Isasagawa ang aktibidad mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM sa mga sumusunod na petsa hanggang sa matapos ang proyekto:
• May 22 – 24, 2026
• May 29 – 31, 2026
Magkakaroon ng excavation at reinstatement ng bahagi ng sidewalk, installation ng service pipe at water meter, at tapping works sa mainline para sa temporary water supply ng tunneling activities.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (QC-TTMD) at MMDA para umalalay sa daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.








