MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa Street para sa pagdaraos ng Maginhawa Summer Fest 2025 sa Sabado, May 24, 2025.
Magpapatupad ng traffic re-routing ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) simula 12:00MN ng May 24, 2025 at tatagal hanggang 3:00AM ng May 25, 2025.
ROAD CLOSURE:
Simula sa bahagi ng Maginhawa Street cor. Malingap street hanggang Maginhawa Street Cor. Mapagkummbaba Street.
PARKING AREA:
Malingap Street
Maginhawa Street
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.


