Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Quezon Memorial Circle sa Miyerkules, May 27, 2026 mula 4:00AM hanggang 12:00PM kaugnay ng pagdaraos at paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.






