MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa Elliptical Road dahil sa pagdagsa ng mga tao sa All aBoard Expo 2025, na gaganapin sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall Compound simula bukas, May 29 hanggang June 1, 2025, mula 9:30 AM hanggang 8:00 PM.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Mayroon namang designated parking areas para sa mga dadalo sa nabanggit na event.
PARKING AREAS:
– Quezon City Hall Multi-Level Park
– Quezon Memorial Circle
– Government Service Insurance System – ang entrance ay mula sa Elliptical Road bago ang Commonwealth exit
Para sa mga nais mag-park sa GSIS, may nakaantabay na e-trike at tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) para kayo ay gabayan papunta sa M.I.C.E Center.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

