MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Kasalukuyang nagsasagawa ng pipe replacement ang Maynilad sa Payatas Road at mga karatig na lugar. Isinasagawa ang proyekto nang paunti-unti (by phases) upang matiyak ang maayos na implementasyon at mabawasan ang abala sa mga motorista at residente.
Mga Apektadong Lugar at Target na Pagtatapos:
• Payatas Road – target na matapos pagsapit ng Mayo 2026
• Soliven Street – target na matapos pagsapit ng Hunyo 2026
• IBP Road – target na matapos pagsapit ng Oktubre 2026
Ang mga petsa ay target lamang at maaaring magbago depende sa aktwal na kundisyon sa lugar.
Asahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.




