MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng EDSA sa mga panulukan ng EDSA at North Avenue at EDSA at West Avenue upang bigyang-daan ang Turnback Girder Launching Activity ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) ng Department of Transportation (DOTr) at SMC Mass Transit 7 Incorporated.
Narito ang schedule ng mga aktibidad at pagsasara sa mga nasabing kalsada:
Northbound (Going to Balintawak)
• Dalawang (2) lane ang isasara 24/7 mula February 1, 2026 hanggang May 8, 2026
• Magkakaroon ng road closure ng buong EDSA Northbound mula 10:00PM hanggang 4:00AM sa mga piling gabi lamang.
Southbound (Going to Cubao)
• Dalawang (2) lane ang isasara 24/7 mula February 15, 2026 hanggang May 18, 2026
• Magkakaroon ng road closure ng buong EDSA Southbound mula 10:00PM hanggang 4:00AM sa mga piling gabi lamang.
Sa tuwing magkakaroon ng full road closure, magpapatupad ng zipper lane upang makadaan pa rin sa apektadong direksyon ng EDSA. Pinapayuhan din ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), MMDA, at DOTr para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Manatiling nakaantabay sa Quezon City Government Facebook page para sa mga mahahalagang traffic advisory hinggil sa MRT 7 roadworks na ito. Mag-ingat po tayo lagi sa tuwing tayo ay nagmamaneho sa ating mga lansangan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.








