MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang nakasara sa daloy ng trapiko ang Katipunan St. sa bahagi ng Lukaria sa Brgy. Talipapa, QC, dahil sa isinasagawang NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Sec. 1A na magdudugtong ng NLEX Mindanao Smart Connect at Quirino Highway.
Tatagal ang konstruksiyon mula buwan ng Pebrero hanggang Abril 2026.
Nagpapatupad na ng traffic rerouting sa lugar. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng QC-Traffic and Transport Management Department (QCTTMD), Quezon City Police District (QCPD), Barangay Talipapa, Barangay Bagbag, at NLEX upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, at mag-ingat po tayo lagi sa tuwing tayo ay nasa mga lansangan.






