MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Bunsod ng patuloy na isinasagawang Peaceful Rally ng United People’s Initiative, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument bukas, November 17, 2025 mula 8:00 AM hanggang 10:00 PM kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
• Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
• Katipunan Avenue
• Ortigas Avenue
• White Plains Avenue
• Temple Drive
Magpapatupad ng zipper lane sa kahabaan ng White Plains Avenue sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue simula 5:00 ng umaga.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.







