MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Bilang bahagi ng taunang 18 araw na kampanya para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, magkakaroon ng Cycle to End VAW (violence against women) Bike Ride Event ang Quezon City Government bukas, Nov. 23, 2025 mula 7:00 ng umaga. Kaya asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng dadaanan ng ruta ng bike ride, kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
• Tomas Morato Ave.
• Sct. Rallos St.
• Mother Ignacia Ave.
Pansamantala ring isasara ang mga sumusunod na kalsada:
10:00PM (Nov. 22, 2025) Road Closure:
• Sct. Torillo cor. Sct. Rallos
• Sct. Torillo cor. Sct. Limbaga
• Sct. Torillo cor. Sct. Fernandez
1:00AM (Nov. 23, 2025) Full Road Closure:
• Tomas Morato from Sct. Fuentebella up to Timog Ave.
4:30AM (Nov. 23, 2025) Full Road Closure:
• From Timog Ave. up to Don A. Roces Ave.; Sct. Tuason; Sct. Torillo
Isinasara naman ang kahabaan ng Tomas Morato tuwing Linggo mula 6:00AM hanggang 10:00AM para sa Car-free, Carefree Tomas Morato Sunday.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.








