MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Isasagawa ang National Bicycle Day 2023 “Pedal in Style, Ride with a Smile: Join the CostuMazing Ride!” sa Linggo, November 26, 2023 mula 4:00 AM hanggang 10:00 AM.
Dahil dito, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko partikular sa mga sumusunod na kalsada na bahagi ng kanilang ruta:
• Gate 2 Quezon City Hall sa Elliptical Road
• Kalayaan Ave
• Mayaman St.
• Masaya St.
• Maginhawa St.
• V. Luna Ext.
• V. Luna Ave.
• Malakas St.
• Matalino St.
• East Ave.
• Gate 1 ng Quezon City Hall
Para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar, magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

