MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa November 3 – 5, 2024 dahil sa burol at libing ni Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) Evangelist Pastor Wilde Estrada Almeda.
Sa November 3, 2024, magkakaroon ng convoy mula Arlington Chapel papuntang Amoranto Sports Complex simula 11:00PM.
Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme sa paligid ng Amoranto Sports Complex sa November 4, 2024, mula 6:00 AM, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga makikiramay.
Sa November 5, 2024 araw ng libing, nakatakdang umalis ng Amoranto Sports Complex ang mga labi ni Pastor Almeda ng 10:00 AM papuntang Holy Cross Memorial Park.
Narito ang dadaanang ruta:
Scout Chuatoco
Quezon Avenue
EDSA
Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue
North Avenue
Mindanao Avenue
Quirino Highway
Holy Cross Memorial Park.
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Salamat po sa inyong pang-unawa.