Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme sa paligid ng Amoranto Sports Complex mula October 1 hanggang October 8, 2024 para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) sa pangunguna ng COMELEC.

Ito ay upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at seguridad ng mga maghahain ng kandidatura sa May 2025 Mid-Term National at Local Elections.

Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.