MAHALAGANG ABISO SA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada sa paligid ng iba-ibang sementeryo sa Lungsod Quezon ngayong Undas mula Oct. 31 hanggang Nov. 2, 2025, bunsod ng dagsa ng mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic scheme sa mga kalsada sa paligid ng mga sumusunod na sementeryo:
• Himlayang Pilipino
• Bagbag Cemetery
• Holy Cross Memorial Park
• Novaliches Cemetery
• Manila North Cemetery
• Eternal Garden Memorial Park
• San Juan Cemetery
Nakaantabay rin ang mga tauhan ng TTMD sa mga sumusunod na bus terminal para umalalay sa mga bibiyaheng residente:
• Araneta Center Bus Terminal
• Victory Liner (Denver St., Brgy. Pinagkaisahan)
• Five Star (Montreal St. & EDSA, Brgy. E. Rodriguez)
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.














