MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 10, 2026 sa paligid ng Sto. Domingo Church mula 12:00 PM hanggang 5:00 PM dahil sa gaganaping La Naval Streetdance Competition sa Sto. Domingo Avenue sa harap ng UST Angelicum College. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of the Rosary of La Naval de Manila.
Pansamantala ring isasara ang mga sumusunod na kalsada para bigyang-daan ang parada ng mga kalahok sa kompetisyon mula sa iba-ibang distrito ng lungsod:
Road Closures:
•Sto. Domingo Ave. – From Quezon Ave. to Ma. Clara St.
•Dapitan St. – From Sto. Domingo Ave. to Biak na Bato St.
•BIak na Bato St. – From Quezon Ave. to Dapitan St.
•Quezon Ave. Service Road – From G. Araneta Ave. to Biak na Bato St.
Magtutulungan at nakaantabay naman ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng parada.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.








