MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 11, 2026 sa paligid ng Sto. Domingo Church mula 3:00 PM hanggang 7:00 PM dahil sa gaganaping Grand Procession ng imahen ng Our Lady of the Rosary of La Naval de Manila.
Pansamantala ring isasara ang mga sumusunod na kalsada para bigyang-daan ang prusisyon na susundan ng banal na misa sa Sto. Domingo Church.
Road Closures:
• Sto. Domingo Avenue – From Quezon Avenue to Ma. Clara Street
• Dapitan Street – From Sto. Domingo Avenue to D. Tuazon
• N. Roxas Street and D Tuazon will close once the spearhead is out
• Quezon Avenue from tunnel up to D. Tuazon will close once the spearhead is approaching D. Tuazon, including U-turn slots
Magtutulungan at nakaantabay naman ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.









