MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa October 12, 2024 mula 7:30 ng umaga dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila na ipuprusisyon mula Diocesan Shrine of St. Joseph (District 3) patungong Amoranto Sports Complex (District 4) hanggang Sto. Domingo Church (District 1).
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.