MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko bukas, October 12, 2025 (Linggo) mula 3:00PM dahil sa gaganaping Grand Procession ng imahen ng Our Lady of the Rosary of La Naval De Manila sa paligid ng Sto. Domingo Church.
Pansamantalang isasara ang mga sumusunod na kalsada:
Sto. Domingo Avenue
Dapitan Street
D. Tuazon Avenue
Quezon Avenue (to Quiapo, Manila)
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.







