MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA🚦

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Linggo, October 13, 2024 mula 2:00PM dahil sa gaganaping Grand Procession ng imahen ng Our Lady of the Rosary of La Naval De Manila.

Pansamantala ring isasara ang mga sumusunod na kalsada sa paligid ng Sto. Domingo Church at magpapatupad ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng traffic re-routing scheme:

Sto. Domingo Avenue

Dapitan Street

D. Tuazon Avenue

Quezon Avenue (to Manila)

Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng TTMD at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

#LaNavaldeManila2024