Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isasara ang isang bahagi ng middle lane ng Mindanao Avenue south bound papunta sa Mindanao Avenue corner Road 20 Barangay Bahay Toro. Ito ay dahil sa isasagawang asphalt patching at sealing works ngayong gabi, October 17, 2025 mula 11:00 PM hanggang 8:00 AM ng October 18, 2025.
Bahagi ito ng isinasagawang konstruksyon para sa Metro Manila Subway Project (MMSP).
Muling bubuksan ang nasabing lane sa Lunes, October 20, 2025 sa ganap na 4:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng QC-TTMD at MMDA para umalalay sa daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





