ABISO SA MGA MOTORISTA
Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) mula October 2 – 5, 2026, tuwing 11:00 PM hanggang 5:00 AM.
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na lugar:
• Quezon Avenue – Biak na Bato hanggang Cordillera, 4th lane mula sa center
• Sgt. Rivera – Banawe hanggang Sto. Domingo, 2nd lane mula sa center
• Quirino Highway – Premiere St. hanggang Villareal St., inner lane
• Quirino Highway – Regalado Ave. hanggang Trees Residences, inner lane
• Quirino Highway – La Mesa Road hanggang Reynor Event Place, outer lane
Nakaalalay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar ngayong weekend.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.






