Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 25, 2025 (Sabado) mula 5:00 AM – 7:30 AM sa paligid ng Claret School of Quezon City sa Teacher’s Village East dahil sa gaganaping HABIKASAN ECO RUN ng nasabing paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Foundation Week.
Kabilang sa ruta ang mga sumusunod na kalsada:
• Malamig St.
• Matahimik St.
• Malingap St.
• Mapagkawanggawa St.
• Matimtiman St.
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na kalsada.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.





