MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Batay sa naging resulta ngayong unang araw ng DRY RUN ng Katipunan Avenue – Southbound Morning Rush Hour Zipper Lane, kailangang bawasan ang exit ng Zipper Lane upang hindi maapektuhan ang Northbound na direction ng Katipunan Avenue. Dahil dito, aalisin ang exit patungong Miriam College Gate 3, at ang tanging mananatiling exit ay ang patungong Miriam College Gate 5 at 6 sa kahabaan ng Mangyan Road sa loob ng La Vista Subdivision.
Ang entrance ng Zipper Lane ay mananatili pa rin sa U-Turn slot sa harap ng UP Town Center-Mercury Drug.
Aagahan naman ang operating hours ng Zipper Lane. Bukas, October 3, 2023 ito ay magsisimula na ng 6:00 AM hanggang 7:30 AM, tuwing weekdays pa rin, maliban kung holidays.
Maraming salamat, at patuloy tayong sumunod sa mga gabay ng Traffic Enforcer ng Quezon City Government at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), pati na rin sa mga linatag na traffic directional signages.