MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA
Pansamantalang isinara ang isang lane sa southbound ng Mindanao Avenue malapit sa Tandang Sora Avenue ngayong araw.
Ito ay dahil sa concrete pouring na isinasagawa sa lugar na bahagi ng konstruksyon ng Tandang Sora station ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
Inaasahang matatapos ang aktibidad bukas ng hapon, October 5, 2025 (Linggo).
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (QC-TTMD) at MMDA para umalalay sa daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





