Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 6, 2026 mula 7:00 AM hanggang 10:00 AM dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila na ipuprusisyon mula The Our Father Parish patungong San Bartolome de Novaliches Parish hanggang Puregold Commonwealth.
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.








