MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 8, 2026 mula 7:00 AM hanggang 7:00 PM dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila na ipuprusisyon mula Mother of Divine Providence Parish hanggang Zuzuarregui street patungong Our Lady of the Miraculous Medal Parish.
Blessing Stations:
Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje Parish
Our Lady of Pentecost Parish
Santa Maria dela Strada Parish
Christ the King Parish
Saint Pio of Pietrelcina Chapel
Saint John Paul II Parish
Transfiguration of Our Lord Parish
Our Lady of Perpetual Help Parish
District 3 Action Center
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.








