MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 9, 2025 mula 8:00 AM – 12:00 NN dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila na ipuprusisyon mula Mary the Queen Parish sa District 5 hanggang Parokya ng Mabuting Pastol sa District 2.
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.
Narito ang ruta ng prusisyon:






