MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa October 9, 2026 mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila na ipuprusisyon mula sa Our Lady of the Miraculous Medal Parish hanggang Quezon City Hall patungong Sto. Domingo Church.
Blessing Stations:
St. Joseph Parish Church
Nativity of Our Lord Parish
Holy Family Parish (Kamias)
Immaculate Heart of Mary Parish
Parish of the Lord of Divine Mercy
San Isidro Labrador Church
Sacred Heart Parish
Christ the King Parish
Holy Family Church (Roxas)
St. Paul The Apostle Parish
Magtutulungan at nakaantabay din ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.








