MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA ![]()
Magkakaroon ng pansamantalang full road closure sa bahagi ng Cambridge Street mula K-9th Street, West Kamias hanggang Ermin Garcia Street, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City para sa isasagawang konstruksyon ng “QCitizen Homes – Cambridge”.
Magsisimula ang road closure mula June 1, 2026 at inaasahang tatagal hanggang sa matapos ang proyekto sa Disyembre 2027. Ipapatutupad ito sa mga sumusunod na araw at oras:
• 8:00 PM hanggang 5:00 AM tuwing Lunes hanggang Sabado
• Buong araw tuwing Linggo at mga idineklarang holiday
Mananatili rin ang kasalukuyang one-way traffic scheme sa lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista at residente na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at gumamit ng alternatibong ruta kung kinakailangan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.







