MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA![]()
Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Quezon City Chinatown sa Banawe sa September 19, 2026 mula 6:00 ng umaga bunsod ng pagdiriwang ng QC Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival.
Kabilang sa mga kalsadang apektado ng nasabing aktibidad ang mga sumusunod:
Banawe St.
Del Monte Ave.
Sgt. Rivera
G. Araneta Ave.
NS Amoranto St.
Road Closures:
Banawe cor. Del Monte
Banawe cor. Sta. Rosa
Banawe cor. Makaturing
Banawe cor. Mauban
G. Roxas cor. Igdalig
G. Roxas cor. Biak na Bato
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.








