Mahalagang Abiso sa mga Motorista![]()
Pansamantalang hindi madadaanan ang northbound lane ng EDSA sa tapat ng People Power Monument bunsod ng isinasagawang ‘Trillion Peso March’ ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian (SIKLAB), Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM), Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance (TAMA NA).
Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.






